Fedmich’s Life

05 May, 2009

ABS-CBN “nakaganti” sa GMA-7

Posted by: fedmich In: Other stuff

another example of Crab Mentality in the Philippines…

ABS-CBN “nakaganti” sa GMA-7
By: Tonee Coraza

“Nakaganti” ang ABS-CBN sa GMA.

As early as 12 noon ay nagpapa-flash na sila ng news na nanalo na si Pacquiao at na-knockout nito si Ricky Hatton sa second round ng laban nila.

Samantalang kasalukuyan palang ipinapalabas ang laban ng mga unknown boxers mula sa Amerika sa Siyete na wala namang interes panoorin ng sambayanang Pinoy.

Sa ANC (news channel ng ABS-CBN sa cable) ay panay na rin ang live feed ng mga ito sa iba’t ibang malls, gym at resto sa buong kapuluan kung saan ipinalabas nang live via satellite ang laban nina Pacquiao at Hatton at ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa panalo ni Manny.

What’s more, sinasadya pang pahagingan ng camera nila ang big screen kung saan kitang-kitang ang pag-knockout ni Manny kay Hatton.

Isang malaking spoiler nga ito sa free coverage ng GMA sa laban nina Pacman na 2 p.m. pa nila ipapasok sa ere.

Nandiyan na rin kaagad ang interview nila sa mga kababayan at kaanak ni Manny sa GenSan ukol sa reaction ng mga ito sa pagkapanalo ni Manny, only minutes pagkatapos ng laban na ginawa sa Las Vegas.

Lahat ng mga ito ay isang malaking pagpe-preempt sa pagpapalabas ng GMA sa laban nina Pacquiao at Hatton.

Well, hindi naman puwedeng pigilan ng GMA ang ABS sa ginawa nila dahil ba-lita ito at kailangang ilabas kaagad sa ere.

Hindi naman makapagpa-labas ng kahit na anong flash report ang GMA sa resulta ng laban kasi nga ay hindi pa nila naiere ang kanilang free airing ng Pacquiao-Hatton fight.

Past 2 p.m. na nga sinimulan ang pagpalabas ng laban sa GMA at dahil sa second round palang ay pinatumba na ni Manny si Hatton ay kailangan nilang i-stretch ang airing nito for an hour just to accommodate all the paid commercials.

Kaya naman ang nangyari maya’t maya ay nagko-commercial break sila.

Panalo si Martin Nievera sa rendition niya ng Lupang Hinirang na iniba niya ang tono.

Naging creative lang si Martin para hindi maging monotonous ito tulad nang pagkanta ng ibang singers in the past sa mga laban ni Pacquiao.

No big deal ito dahil ma-dalas na ring iniiba ng mga sikat na Amerikanong singers ang pagkanta ng kanilang national anthem.

Anyway, tinatayang $20M ang maiuuwi ni Pacquiao sa pagkapanalo niya sa laban kay Hatton, ayon mismo sa coach nitong si Freddie Roach.

Kasama na rito ang ba-yad kay Manny sa pay per view sa United States.

Tumataginting na P1 bilyon ito kaya maituturing nang bilyonaryo si Manny!

Gusto naming itanong kung tuloy na tuloy na ba ang pagtakbo niya ulit sa nalalapit na eleksyon at kung anong posisyon ang tatakbuhin niya.

In the meantime, excited na ang lahat kung sino ang susunod na makakalaban ni Manny.

Si Mayweather Jr. daw sana kaso may laban pa ito kay Marquez sa July 18.

Paglabas nga pala namin ng bahay bandang alas-2:30 ng hapon mistulang Semana Santa ang ambience ng kapaligiran.

Ang luwag ng mga kalye dahil halos walang nagbibiyaheng mga sasakyan.

Wala ring mga pasahe-rong nag-aabang sa gilid ng mga kalye.

Lahat ay nasa kani-kanilang mga bahay at mati-yagang pinapanood ang delayed telecast ng laban sa GMA.

Wala ring naitalang krimen ayon sa pulisya.

Mukhang pati ang mga kriminal, magnanakaw at mga kawatan ay nanood din ng laban ni Pacquiao.

Si Pacman lang ang nakakagawa nito na pagsama-samahin ang mga Pinoy kaya nga mismong mga Amerikano na ang nagsasabing bagay raw si Manny na maging presidente ng Pili-pinas.

“Yun na!”

Source: http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2009-05-05&sec=3&aid=92302

Related posts
299 views, 2 so far today

No Responses to "ABS-CBN “nakaganti” sa GMA-7"

Comment Form

Pictures

|

Categories

Who am I?

Statistics

Listed on Top Philippines website
Locations of visitors to this page




  • WagKupal: If your expectations is so high, please don't get Niceprint. But at the same time, please raise your budget to get the topnotch wedding photographers
  • ClariceWILDER: If you are in the corner and have got no cash to move out from that, you will need to receive the
  • Haze: ^^' taken pala yun... wrong grammar hehehe
  • Haze: I guess we just need to let our suppliers of our concerns prior to the wedding day so as not to take the risk of being a casualty. :) if you have a
  • Haze: charisse sent me this email when I told her re my concern: hi i have already seen the female network blog. sad to say, no matter what company owne
  • fedmich: Streaming is now available :) Check it out

My websites / Sponsors

Play Flash Games online
143Pets - Cute pets
Watch Anime online at Fedmich Anime
Read Garfield comics online
Watch Funny videos at 143Pinoy videos
Fedmich Wallpapers
Lyrics and music videos
Fedmich Computer Shop
Fedmich Smallville
fedmich designs

Play music